Facebook kokomprontahin ni Duterte

Napundi si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagsasara ng Facebook sa mga accounts o pages ng gobyerno dito.

“Tell me kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taumbayan? If government cannot use it for the good of the people then we have to talk. We have to talk sense,” hamon ni Duterte sa Facebook sa kanyang televised report to the nation nitong Lunes ng gabi, Setyembre 28.

Bago nagsalita ang Pangulo laban sa FB ay kinumpirma ng nabanggit na social media platform ang pagsasara sa ilang government account dahil sa alegasyong mga pekeng account ito.