Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang dating matinee idol at star ng sikat na youth oriented show na ‘That’s Entertainment na si Dennis da Silva dahil sa umano’y paulit-ulit na panggagahasa sa isang menor-de-edad.
Si da Silva ay hinatulan ng 15 counts ng life imprisonment sa Pasig City Regional Trial Court Branch 261 noong February 7 pero ngayong linggo lamang pumutok sa media.
Bukod sa 15 counts ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakalaboso ay hinatulan din ang dating aktor ng 4 years, 2 months at isang araw hanggang anim na taong pagkakakulong dahil naman sa child abuse sa naging biktima nitong 14 taong gulang na anak ng dating ka-live in na si Marilyn Paz.
Inatasan din ng korte si da Silva na magbayad ng P4.5 million dahil sa panggagahasa at P380,000 para naman sa child abuse.
Ang dating aktor ay nakilala ring ka loveteam at naging kasintahan ng aktres at beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay nakapiiit ng 17 taon na sa Pasig City Jail.