Pumanaw na ang dating host ng sumikat na noontime TV show na ‘Student ‘Canteen’ na si Eddie Ilarde nitong Agosto 4 sa edad na 85.
Si Ilarde na batikan ding broadcaster sa DZBB ay naging senador ay mas nakilala sa ‘Student Canteen’ kasama ang mga co-host na sina Pepe Pimentel na inatake nakaraang taon, Leila Benitez na kailan lamang ay pumanaw na rin dahil sa komplikasyon sa COVID.
Nakasama rin ni Eddie sina Helen Vela at Chiqui Hollman Yulo sa nasabi ring show.
Si Ilarde ay sumikat din sa Dear Kuya Eddie na kalaunan ay ginawang ‘Napakasakit Kuya Eddie.’
Ang mga labi ni Ilarde ay agad na isinailalim sa cremation dahil sa ipinatupad na modified enhance community quarantine sa Metro Manila kung saan sakop ang tahanan nito sa Makati City.