Naging emosyonal si Ex-PBB housemate Jai Agpangan ng balikan nya ang traumatic experience na naganap sa kanya bago matapos ang 2020.
Sa vlog, binunyag ni Agpangan na naospital siya matapos mamaga ang tenga, walang tigil na pagsuka at nawalan ng malay noong Disyembre 24.
Na-comatose siya ng ilang araw.
“I don’t know why baka sa piercings, na-infected pala siya. … Actually grabe ‘yung nangyari sa akin,” kuwento ni Jai.
“Actually grabe ‘yung nangyari sa akin. (December) 27 ako nag-wake up daw. Hindi ko alam na NGT (special tube that carries food and medicine to the stomach through the nose) lang ‘yung food ko. Tapos lumbar tap (medical procedure in which a needle is inserted into the spinal canal) ako, kasi parang akala nila meningitis, parang na-tetanus kasi ako, infected, sepsis, ang daming sabi sa akin ng doktor ko. Buti na lang mabait ang doctor namin at saka magaling,” dagdag ni Jai.
Nakilala si Jai at kanyang kambal sa kanilang stint sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.”