Ex ni Robin Padilla dinedma ni Mariel sa IG

Mariel RodriguezNagpasalamat at sinagot ng misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang mga bumati at viewers ng Gabriella birth vlog na umabot sa mahigit 1.2 milyong views sa kanyang IG account.

Si Gabriella ang bagong panganak nilang baby ni Robin.

Maraming artista ang bumati at nagbigay ng mensahe kay Mariel na kinabibilangan nina Ruffa Gutierrez, Loisa Andalio, Melai Francisco at marami pang iba na kanyang ni-replayan agad.

Sa mga nag-comment kapansin-pansin ang pandededma ni Mariel sa pagbati ng aktres na si Vina Morales at naging ex ng kanyang mister.