Ex ni James Reid nag-sorry sa ‘karma joke’

Ericka VillongcoHumingi ng tawad si singer-vlogger Ericka Villongco, ex-girlfriend ni James Reid, tungkol sa kanyang ‘bad joke’ sa hiwalay nina James at Nadine Lustre.

Sa Instagram ni Ericka, marami siyang natatanggap na mensahe kung ano ang komento niya sa breakup ng dalawa.

“My dm is flooded w the ‘did u hear??” caption niya sa kaniyang IG story.

Dagdag niyang caption, “Karmas a bitch.” Agad namang binura ng US-based vlogger ang post na ito at nag-sorry.

“Deleted my post bec I realized it was a bad joke, im sorry for letting the impulsive aries get the best of me [cloud emoji] this rlly isn’t any of my business & it is never ok to be mean to ppl,” Naging mag jowa sina James at Ericka ng tatlong taon at naghiwalay sila dahil umano kay Nadine.