Ever Bilena employees sumahod sa COVID-19 quarantine

Ever Bilena Covid-19Sasagutin ni Ever Bilena President and CEO Dioceldo Sy ang sahod ng kanilang mga empleyado sa buwan ng Abril, pumasok man sila o hindi sa trabaho.

Ayon sa Facebook post nito, kahit na wala silang kinita dahil sa coronavirus, napakahalaga ng kanilang 1,800 empleyado.

“I have decided to extend financial aid in the form of full salaries from April 1 to April 30, 2020, to provide you with relief and appease some of your worries during the extended Enhanced Community Quarantine.”

Ang desisyon ay ginawa matapos na ma-extend hanggang Abril 30 ang enhanced community quarantine sa Luzon, ayon sa anak niyo na si Denice Sy-Munez, Chief Sales and Marketing Officer ng kompanya.

Sinabi ng kanyang ama na kailangan sila ng kanilang mga empleyado sa ganitong sitwasyon.

“I am reminded that we are in this business because so many rely on the company for a living. I am humbled because my dad is modelling to me by example that it’s not always about money or profit, but sometimes also about sacrifice, in order for a community to survive together.”

Mahigit 1.2 milyong Pinoy ang pansamantalang walang trabaho dahil sa isinagawang quarantine ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.