Viral sa social media ang evacuee sa Bauan, Batangas na nakasuot ng magarbong suit na kanyang nakuha sa donasyon.
Kinuhanan ng litrato at videos ni Gerald Ite, isa sa volunteers na pumunta sa Alagao-Malindig Elementary School, ang naka-semi formal na evacuee at nagpapanggap na ‘yorme’ na si Romuell Yancha Sabusap.
Ilan din sa mga kaibigan ni Romuell ay nakasuot ng sem-formal attire na kanila umanong nakuha sa donasyon.
Game naman si ‘yorme’ na kunwaring nagpapa-interview at nakikipagkamay pa sa ilang evacuees habang vini-videohan.
““Panayam kay YORME sa Alagao-Malindig Elementary School Evacuation Center with Brgy. Capt. CJ Asilo,” caption ni Gerald sa nasabing video.
Nakakuha na ng 9.8k views ang nasabing video.