Ethel Booba pinanganak na si ‘Little Booba’

Little BoobaAng Charot queen na si Ethel Booba ay nanganak na sa kanyang panganay with non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar noong Araw ng mga Puso.

Inanunsiyo ng 43-year-old actress-comedienne ang good news sa kanyang Twitter account.

“Welcome to this world Little Booba. Charot!” tweet nito kasama ang larawan ng kanyang anak.

Inanunsiyo ni Ethel ang kanyang pagbubuntis sa ‘It’s Showtime’ noong Nobyembre sa ikaanim na buwan ng kanyang pagbubuntis.