Isang nakakagulat na anunsiyo ang inihayag ni Ethel Booba sa kanyang Instagram account.
Ayon sa kanyang post nitong April 9, sinabi nito na hindi kanya ang Twitter account na @IamEthylGabison.
Fake account umano ito at ginagamit lang ang kanyang pangalan para magkalat ng fake news.
“BEWARE of this FAKE! twitter!” caption ng kanyang post sa Instagram na may hashtags #StopUsingMyName, #fake, #fakenews, at #peke.
Naka-disabled ang comments ng nasabing post.
Ngunit, ilang beses na niyang prinomote sa kanyang TV interviews ang @IamEthylGabison bilang kanyang official Twitter account.
Sa kanyang Facebook page, nanawagan ang comedienne sa kanyang followers na i-mass report ang fake Twitter account.
“Tagal na ginagamit ang pangalan ko neto eh. Daming kuda di na lang manahimik.”
Ayon kay Ethel, gagawa siya ng video tungkol sa nasabing isyu kung saan sasagutin niya ang lahat ng katanungan ng mga naguguluhang netizens.
Ang nasabing account ay sumikat dahil sa ‘charot’ tweets kung saan dinadaan sa biro ngunit may tapang ang mga pahayag.
Sa ngayon, deactivated na ang nasabing Twitter account.