Ethel Booba anim na buwang buntis

Sa noontime show na “It’s Showtime” inanunsiyo ni Ethel Booba ang kanyang anim na buwang pagbubuntis, Biyernes, Nobyembre 15.

Si Ethel ay kakawagi lang din sa “Tawag ng Tanghalan” celebrity edition sa nasabing show.

Double celebration nga ika nga niya ang kanyang pagdadalang tao at pagkapanalo sa contest.

“Kaya nahihirapan akong kumanta, parang lalabas ang bahay-bata ko… Pasensiya na, hindi ako makabuga [sa pagkanta], ang sakit talaga ng puson ko,” sey pa niya.

Inamin naman ni Ethel sa interview ni Boy Abunda na siya ay in a relationship sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.