Erik Santos inawit ang “Kung Maibabalik”

Handog ng King of OPM Theme Songs na si Erik Santos ang love song na puno ng pag-asa na “Kung Maibabalik,” ang official soundtrack ng K-drama na “Familiar Wife” na napapanood sa umaga sa Kapamilya Channel.

Hatid ng kanta ang pagnanais bumalik sa nakaraan na sadyang bagay sa kwento ng romance fantasy drama tampok ang mag-asawang Paolo (Ji Sung) at Aileen (Han Ji-min) na biglang nagkaroon ng kanya-kanyang buhay pagkatapos ng isang hindi inaasahang insidente.

Bahagi ang kanta ng “Erik Santos 15” album ng Kapamilya singer na inilabas sa ilalim ng Star Music, kasama ang iba pang 14 awitin at iba’t ibang musical collaboration ni Erik tampok ang ilan sa kinikilalang OPM artists.

Ang mag-asawang sina Moira dela Torre at Jason Hernandez ang sumulat ng “Kung Maibabalik” at iprinodyus naman ito ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo.

Pakinggan ang “Kung Maibabalik” sa Star Music YouTube channel at abangan ang kanta sa “Familiar Wife” na ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:30am sa Kapamilya Channel. Available ito sa SKY channel 8 sa SD, SKY channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 2, at marami sa mga cable operator ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa. Mapapanood din ito online sa iWant app o iwant.ph.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa musikang handog ni Erik, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).