Erik Matti nagkomento sa pagka-adik ng Pinoy sa Kdrama

Erik MattiNapansin ni Pinoy direktor Erik Matti na nangunguna ang Korean dramas sa most viewed ng Netflix sa Pilipinas.

“The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and tv are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic,” ayon sa kanyang tweet.

Nasa Top 10 ngayon ay galing sa Korea ay ang Hi Bye, Mama, Itaewon Class, Crash Landing on You, Fight For My Way, and What’s Wrong with Secretary Kim?.

Dalawa naman ay sa Pilipinas: ang From the Broken Hearted at Born Beautiful.

Umani naman ng negatibong komento ang post ni Matti na hindi sang-ayon na puro ‘Cinderella stories’ ang pinapakita ng Korean drama.