Engagement ring ni Sarah, binuhusan ng mahabang panahon ni Matteo

Inanunsiyo noong November 7 nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang engagement.

Six years na silang mag-couple pero tila unang taon pa lang ng kanilang relasyon ay alam na ni Matteo na siya na ang “The One”.

Sa isang congratulatory post ni Jerry Tan sa Instagram, sinabi nito na noong 2014 sa isang mall show, ay sinabi ni Matteo sa kanya na nag-iipon ito para sa engagement ring kay Sarah.

“Kuya Jers, Bai I need more work to buy engagement ring for Sarah,” ang sabi ni Matteo kay Jerry.

Nagc-comment naman si Matteo sa kanyang post ng “good times bro!!”

Naging mag-couple sila Matteo at Sarah noong 2013 at kinumpirma ito noong 2014.