Endo lumalatay sa Pinoy work force

Tumaas pa ang bilang ng mga Pinoy na walang hanapbuhay.

Alinsunod ito sa pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) sa third quarter ng 2019.

Lumalabas sa survey nitong September 27-30 na 10 milyong Pilipino ang jobless o katumbas ng 21.5 porsiyento.

Ang nasabing record ay mas mataas sa unemployment rate noong June na 20.7% at March record na 19.7%.

Sa 21.5%, 9.5% o 4.4 million ang nagsabi na nag-resign sila kaya nawalan ng trabaho; 3.5% o 1.6 million naman ang mga first-time job seekers o bago pa lang na naghahanap ng trabaho.

Ang natitirang respondents o 5.8% ay nagsabing nawalan sila ng trabaho dahil na-endo o tapos na ang kanilang kontrata at hindi na-renew.