Proud na binahagi ni actor Enchong Dee ang pagdo-donate niya ng dugo, kasama ang kanyang fans sa Enchong Dee World, sa Philippine Red Cross headquarters sa Quezon City nitong Miyerkoles, February 19.
Isa sa mga consistent celebrity si Enchong na nag-dodonate ng dugo at nag-o-organize ng blood drives sa tulong na rin ng kanyang fans.
Pinakita ni Enchong ang punong blood bag na Type B, sa post ng Enchong Dee World page.