Empleyado ng MICP positibo sa coronavirus

Temporary shutdown ngayon ang isa sa pinakamalaking pier sa Maynila para i-disinfect ito dahil sa kumpirmadong kaso ng coronavirus sa lugar.

Ang Manila International Container Port (MICP) ay isasara simula Marso 24 sa pagpositibo ng isa sa empleyado nito ng COVID-19.

Wala pang pag-anunsiyo kung kailan ito magbabalik ng operasyon.

Sa ngayon, ang mga transaksyon sa MICP building sa Tondo ay ipoproseso sa kalapit na pier sa Maynila.