Emma Stone engaged na!

Engaged na ang Oscar-award winning actress at La La Land star na si Emma Stone.

Ang fiancé ni Emma na si Dave McCarry ang nag-announce sa Instagram ng kanilang engagement.

Emma Stone
Emma Stone (IG)

Nagpost ito ng picture nilang dalawa ni Emma kung saan masayang ipinapakita ng aktres ang kanyang engagement ring. Si McCarry, 34, at 2-time Emmy nominee, ay isang segrment director at writer ng Saturday Night Live at mula pa noong October 2017 ay may relasyon na sila ni Emma.

Sa ulat ng People, unang nagkakilala sina Emma at McCarry nang mag-host ng SNL ang aktres noon pang 2016.

Bago nagkakilala sina Emma at McCarry, ang actor na si Andrew Garfield ang naging boyfriend ni Emma sa loob ng apat na taon. Bagama’t hindi nauwi sa kasalan, patuloy umanong magkaibigan sina Emma at Andrew.