Emirates, Qatar Airways balik operasyon sa Clark

KINUMPIRMA ng Clark International Airport (CRK) ang pagbabalik operasyon ng Emirates at Qatar Airways. Ang daily operation ng Emirates ay ang Dubai-Clark-Dubai flights via EK 324/325 at EK 336/337.

Ang Qatar Airways naman ay magdadagdag ng Doha-Clark-Doha flights sa siyam na beses kada linggo sa pamamgitan ng pagdadagdag ng biyahe tuwing Linggo at dinoble ang Lunes at Biyernes na flight.

Simula nang magbalik ang commercial operations noong Hunyo ay unti-unting nagdagdag ang CRK ng domestic at international operations at nagseserbisyo sa may 30,000 international passengers hanggang nitong September 14.

Sa kabila ang pinaigting na health at security protocols sa paliparan ang lahat ng pasaherong dumadating sa Clark ay walang aberyang dinaranas.

“It is our mission to delight our passengers with seamless and inclusive travel experience without setting aside their health, safety and security. We are happy to hear that our passengers appreciate the level of service that they receive upon arrival at CRK,” ani Bi Yong Chungunco, chief executive Officer of Luzon International Premier Airport Development Corp. (LIPAD), operator of Clark International Airport.