Ellen Adarna napikon, sinagot ang chismosa

Hindi nakaligtas ang isang netizen na nag-comment tungkol sa anak ni Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias.

Sa post ni Ellen kung saan ikinuwento niya ang kanyang depresyon, tinanong ng netizen kung bakit wala siyang post kay Elias.

“His father and I are protecting him and his privacy from chismosas like you,” sagot ni Ellen.

Ikinuwento ng aktres na sumailalim siya ng two-week mental training sa Bali, Indonesia dahil na-diagnose itong may depression, anxiety at post-traumatic stress disorder.