Maraming kumakalat na balita na hiwalay na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz noong 2019, ngunit hindi ito kinumpirma ng dalawa.
Nagkasama ang dalawa sa ‘Home Sweetie Home’ ng ABS-CBN na pinagmulan ng kanilang pag-iibigan at kalaunan ay nagkaroon ng anak na lalake.
Ngunit ngayong buwan, naging aktibo na ulit si Ellen sa kanyang Instagram account, at kanyang pinost ang ilang sweet pictures niya sa isang foreigner sa Madrid.
Hindi man nilagay ni Ellen na boyfriend niya ito, makikita sa litrato na may bago na itong love life.
Nag-hiatus si Ellen sa social media ng dalawang taon ng maka-relasyon niya si John Lloyd Cruz.