Balik Instagram na ang sexy star na si Ellen Adarna matapos siyang mag-deactivate ng kanyang account.
Ang first post ni Ellen sa loob ng tatlong taon ay isang video habang siya ay nagsi-ski sa Switzerland.
“As per my instructor @smartinrs ‘keep going’ should be my mantra this year! #hello2020,” caption ni Ellen sa kanyang post.
Ang huling post ni Ellen sa kanyang Instagram ay noon pang March 2017.
Kahit na nag-deactivate ito sa kanyang Instagram account ay nanatiling active ang kanyang verified Facebook page.
Namahinga si Ellen sa showbiz kasama ang kanyang partner na si John Lloyd Cruz na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang kanilang relationship status.