Ellen Adarna, anak nag-beach trip kasama si Derek Ramsay

Spotted muli sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na magkasama, at ngayon naman ay sa isang out-of-town trip.

Sa Instagram stories ng 32-year-old actress, makikita na nagbo-bonding sila ng aktor at mga kaibigan sa isang beach resort sa Batangas.

Ellen Adarna Derek Ramsay

Sa isa sa mga videos, nag-joke si Ellen na “mag-add to cart” sa kasama nilang lalake.

Nang ituro niya camera kay Derek, sabi niya ““Eto, nanakawin ko na. Charot!”

Nag-hiking at diving din ang dalawa, na makikita sa kanilang stories.

Dinala ni Ellen ang two-year-old son niya na si Elias sa trip.

Una nang itinanggi ng dalawa na meron silang relasyon matapos mag-post si Ruffa Guttierez ng ‘walang malisya’ photos nila sa dinner get-together sa bahay ng aktor.