Ella Cruz pinabilib ang Blackpink

Isa si Ella Cruz at ang kanyang grupo na mapalad na nakapag-perform sa harap ng Blackpink.

Kasama ang kanilang grupo na Team Gabriela para i-represent ang Pilipinas sa dance competition ng Samsung Awesome Live fan meeting ng Blackpink sa Jakarta, Indonesia.

Namangha ang Korean girl group sa kanyang performance kasama ang SB New Gen Members Daphny at Eunice.

Sinayaw nila ang Blackpink mashup at napabilib nila ang grupo lalo na ang main dancer na si Lisa Manoban nang ipakita ni Daphny ang kanyang killer bending skills at manalo ng “Awesome Cover” award.

Proud naman ang Pinoy Blinks sa pagkamit ni Ella ng ultimate fangirl dream.