Ella Cruz astig ang bagong hobby

TARAY ng young star na si Ella Cruz na nag-share ng kanyang photo sa Instagram kaugnay ng kanyang bagong pinagkakaabalahan ngayong pandemya.

Sa batang edad ay ang tapang ni Ella na nahihilig ngayon sa pagmomotor.

Astig si Ella dahil hindi simpleng motor ang gamit nya dahil mas malaki pa ito sa kanya.

Sabi nga ni Ella sa kanyang post “hope my R3 was fine.”

Mukhang napasabak si Ella sa pagmomotorsiklo kaya alalang-alala ito sa lagay ng kanyang Yamaha motorcycle.

Hanga naman ang mga follower ni Ella sa tapang nito pero pinaalalahanang maging maingat.