Elizabeth Zimmerman nag-aalala sa kondisyon ni Duterte

Ibinuking ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang nangyaring video call sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at inang si Elizabeth Zimmerman habang ito ay nasa official trip sa Japan.

Ayon kay Mayor Sara pinayuhan umano ang Pangulo ng kanyang ina na magpasuri sa orthopedic.

“Sinabihan siya (Duterte) ni Mama ko dapat sa ortho spine specialist siya, nag-insist siya na sa neuro daw ang spine (he,he), “ anang Presidential daughter na kasama sa Japan ng Pangulo.