Eat Bulaga mamimigay ng maagang pamasko sa Zambales

Excited na ang mga residente ng barangay Tampo sa Botolan, Zambales dahil sa pagdating ng nangungunang noon time show sa bansa ang ‘Eat Bulaga’ sa nasabing bayan para mamigay ng maagang pamasko.

Dumayo ang Eat Bulaga sa barangay Tampo para idaos ang segment ng kanilang ‘Prizes All the Way’.

Ang Eat Bulaga ‘Prizes All the Way’ ay dumadayo sa mga probinsiya para mamigay ng mga papremyo sa mga makikilahok sa kanilang mga palaro.

Sa bayan ng Iba na kabisera ng Zambales naman ay idaraos ang kanilang ‘Sugod Bahay’ segment na isa rin sa pinakaabangan ng mga manonood ng noontime show dahil sa maraming buhay ang nababago nito sa pamamagitan ng cash prize at pangkabuhayan showcase.