E-passport renewal center itatayo sa Dubai; Abu Dhabi, Riyadh, Saudi susunod

Hindi na mahihirapan ang mga Pinoy workers sa Dubai dahil lumagda ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang memorandum of understanding (MOU) sa Dubai-based private company para maitayo ang kauna-unahang E-Passport Renewal Center (PaRC) sa nasabing bansa.

Ang itatayong e-passport renewal ay magiging karagdagan lamang sa Philippine Consulate General sa Dubai na nangangasiwa rin sa pagre-renew ng pasaporte ng mga OFW sa nasabing bansa.

“Those who avail of the services at PaRC will pay an additional convenience fee on top of the normal cost of passport renewal that they pay at the Consulate General or at the Philippine Embassy in Abu Dhabi,” nakasaad sa ipinalabas na statement ng DFA.

Isusunod ng DFA ang pagbubukas ng PaRC sa mga bansang maraming Pinoy workers kagaya ng Abu Dhabi, Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia sa susunod na taon.