Duterte umaming hindi kaya, Leni ikaw naman!

Hayagang inamin kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabigo siya sa pangakong tuldukan ang problema sa iligal na droga.

Kaya naman iginiit ni Duterte kay Vice President Leni Robredo na siya naman ang manguna sa giyera kontra iligal na droga.

” Hindi na kailangan mag-ano pa ako sa Congress. I will just make her a cabinet member.

Tapos, all drug cases and all things , matters in connection with drugs iyo na yan hanggang sa katapusan ng term ko,” pahayag pa ni Duterte.

Ang usapin ng pagpapel ni Robredo sa problema sa illegal drugs ay nag-ugat nang punahin ni VP Leni ang diskarteng ipinatutupad ng gobyerno sa war on drugs.