Nagtamo ng sugat si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na sumemplang habang nagmomotorsiklo sa Presidential Security Group (PSG) Compound sa Maynila kagabi, Oktubre 16.
Ito ang ibinunyag ng dating aide at ngayo’y Senador Bong Go sa viber group kasama ang mga media.
“Sumemplang sa motor si PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) kagabi habang nagmo-motor sa PSG compound,” mensahe ni Go sa Viber.
Maliban sa nasabing detalye ay wala nang binanggit na iba pang patungkol sa lagay ng Pangulo ang ex-aide.