Duterte sa 34th People Power Anniversary: Pulitika isantabi para sa Edsa legacy

PRRD People Power 34th speechKasabay ng paggunita sa ika- 34th People Power Revolution anniversary, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na isantabi ang mga usapin sa pulitika upang mapanatili ang legacy ng Edsa hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Duterte sa paggunita sa makasaysayang Edsa revolution anniversary ngayong araw, Pebrero 25, 2020.

Umaasa si Duterte na ang mga Pinoy sa mga susunod na henerasyon ay magkaroon ng valor para protektahan, idepensa at panatilihin ang kalayaang nakamit ng mga Pinoy noong 1986 Edsa People Power.