Nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte para buuin ang Philippine Railways Institute (PRI).
Ang PRI ay binuo sa ilalim ng Department of Transportation bilang “planning, implementing and regulatory agency for human resources development in the railways’ sector.”
Ang pagtatag ng PRI ay iniutos ng Pangulo dahil sa matinding pangangailangan na i-develop ang mga railways personnel para masiguro ang kanilang kakayahan at availability.
Ang PRI ay tatayong research and training center ng mga empleyado ng public railways, na siyang isinasaad sa Executive Order No. 96.