Duterte pinabubuhay death penalty

KINALAMPAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso para isabatas ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Ginawa ng Duterte ang apela sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa nitong Lunes.

“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous Act of 2002,” mensahe ng Pangulo.

Ang panawagang pagbuhay sa lethal injection ni Duterte ay madalas na nitong gawin sa kanyang mga nakalipas na SONA.