Duterte pina-rescue sa Navy and kinidnap na 11 Pinoy seafarers sa Africa

Pakikilusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy para ang tugisin ang mga piratang nasa likod sa pagkidnap sa 11 marinong Pinoy sa mga karagatan ng Togo at Benin sa West Africa.

“I will send the Navy there, kapag nakita nila ‘yung mga…patayin na lang nila. Tabla-tabla na lang,” babala ni Duterte.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang dumalo kagabi sa awarding ceremony para sa Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa Malacañang.

Isinisi rin ni Duterte sa United Nations (UN) ang patuloy na pagdukot sa mga seafarer.

“Kung hindi Hapon, Pilipino, Indonesians. They are the favorite in the minnow of the pirates. Ang isip-isip ko, I’m kind of telling the United Nations. Napaka-inutil naman ninyo diyan. I mean… It has been an inutile body actually,”  bahagi pa ng pahayag ng Pangulo.

Hindi naman na nagbanggit ang Pangulo ng ibang pang detalye patungkol sa gagawing pagligtas sa mga dinukot na Pinoy seafarers.