Duterte pasaway sa doktor!

Sinuway ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng kanyang mga doktor na magpahinga ng ilang araw matapos indahin ang pananakit ng likod dahil sa muscle spasm.

Rodrigo Duterte

Patunay ang isang larawan na ibinahagi sa social media ng dating SAP at ngayo’y Senador Bong Go na mga kuha ng Pangulo habang sakay ng all-terrain vehicle (ATV) kagabi.

Nag-ATV ang Pangulo nitong Huwebes ng gabi sa Presidential Security Group (PSG) compound na tumagal ng sampung minuto.