Duterte nagpasakay lang: Robredo sineryoso ang anti-drug war ng gobyerno!

Isang malaking pagkakamali ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman ang pagseryoso ni Vice President Leni Robredo sa alok na anti-drug czar ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lagman, seryoso si Robredo sa alok gayong nagbibiro lang si Duterte.

“…she took her role as anti-drugs czar very seriously while President Rodrigo Duterte considered her appointment as a flippant joke and an off-the-cuff reaction to her criticisms on his bloody war against drugs, ayon kay Lagman.

Sa simula pa lamang ayon sa kongresista ay talagang ayaw ng gobyerno na magtagumpay ito sa kanyang misyon kontra illegal drugs.

“The President cannot allow Robredo to succeed in his centerpiece program of a violent anti-narcotics drive where he himself has dismally failed,” dagdag nito.

Ang reaksyon ni Lagman ay inihayag kasunod ng ginawang pagsibak sa kanya ng Pangulo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).