Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang idinudulog ng ating mga kababayan laban sa mga mapagsamantalang mga may-ari ng crematorium ngayong panahon ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus outbreak.
Sa talumpati ng Pangulo kagabi ay binalaan nito ang mga nangangasiwa ng crematorium na in-demand sa mga panahong ito dahil sa paglobo ng mga namamatay sa COVID.
Ang mga namamatay dahil sa COVID ay ipinalilibing sa pamamagitan ng cremation.
Isa sa pangunahing problema ng mga may namamatay na kaanak dahil sa COVID ay ang sobrang mahal ng singil sa serbisyo ng mga crematorium na lalong nagpapahirap sa mga kaanak ng mga namamatay sa COVID.
“Itong may ari ng crematorium, may I ask you to maintain yung presyo ng cremation until the quarantine. Yung presyo na wala tayong problema. Nakikiusap ako. Tutal negosyo yan. Kung taasan niyo presyo, paiwan ko patay sa inyo. Bahala kayo diyan,” babala ng Pangulo.