Duterte nag-pocket air purifier dahil sa ubuhing gabinete

Napilitang magsout si Pangulong Rodrigo Duterte ng pocket air purifier para maproteksyunan ang sarili laban sa sakit.

Ayon sa isang opisyal na malapit sa Pangulo, panlaban na rin ni Duterte ang sout na pocket air purifier laban sa isang miyembro ng gabinete na palaging umuubo na madalas katabi ng Pangulo sa mga event.

Gayunman ay nilinaw Presidential Spokesman Salvador Panelo na maayos ang kalagayan ng Pangulo na bagama’t nakitang madalas gumamit ngayong mga panahon ng pocket air-purifier.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na proteksiyon ng Pangulo ang air purifier laban sa mga kasamang may ubo at sipon, lalo na at madaling makahawa ang nabanggit na sakit.

“The device aims to protect Duterte “from persons within his proximity who have coughs and colds,” ani Panelo.