Duterte maagang namudmod ng aginaldo

Masuwerte ang mga empleyado ng Office of the President dahil unang linggo pa lamang ay tumanggap na sila ng Christmas bonus mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga kawani ng Office of the President ay tumanggap ng tig-P60K.

Kasabay ng masayang Lunes ng mga empleyado ng OP ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagpapailaw sa Christmas tree sa Malacañang grounds.

Matatandaang noong Disyembre nakaraang taon aynakatanggap ang OP employees ng P50K Christmas bonus, mas mataas ngayong 2019 ng P10K.