Duterte gustong magkaroon ng powers gaya ni Quiboloy

Interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng power na katulad ng kay Pastor Apolinario Quiboloy.

“I believed in Pastor Quiboloy. When he said stop eh kung nag-stop eh di what’s the trouble?” pahayag ni Duterte sa isang dinaluhang event sa Davao City ngayong araw.

Iginiit ni Duterte na naniniwala siyang napahinto ni Pastor Apollo Quiboloy ang lindol na tumama sa Mindanao kamakailan.

Sinabi pa ng Pangulo na nais niyang maging katulad ni Quiboloy para mapatigil niya ang mga korap na opisyal sa gobyerno.

Nauna rito ay nag-trending sa social media ang pahayag ni Quiboloy, na dapat magpasalamat sa kanya dahil pina-stop niya ang lindol nakaraang buwan kundi ay marami ang mamamatay.