BILIB si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kababayang nakatira sa squatters area dahil hindi nadadale ng COVID-19.
“Wala akong nakitang taga-squatter na tinamaan. Maski sa Davao, magtanong ako ng mga bata, wala. Sabi nila, ‘ano ‘yan?’ So nary — nary a care about COVID,” pahayag ni Duterte sa kanyang Ulat sa Bayan nitong Lunes ng gabi.
Naniniwala si Duterte na kaya walang tinatamaan ng COVID na mga taga-squatters area ay dahil madalas ay lantad ang mga ito sa mikrobyo.
“Hinigop nilang lahat ng ano kagaw kaya nagkaroon na sila ng panglaban. Maliit pa, ‘pag lumusot kasi ‘yan sila noong maliit pa nagkasakit five, six, seven, eight, ‘pag lumusot ‘yan ‘pag malaki na ‘yan, matatag ‘yan. Hindi na tinatablan,” ayon kay Duterte.
Sa kabila ng pagkakaligtas ng mga squatters sa virus ay nagpaaalala ang Pangulo na panatilihing maging ligtas sa COVID-19.
“Do not be too complacent about it just because you think that you have the antibodies. You might really have the advantage but the law of averages always takes its toll. Malay mo matamaan ka talaga,” pagbibigay-diin pa ni PD30.
“The coronavirus curve flattened. Meaning to say there are now less people with contaminated disease called COVID-19,” anang Pangulo.
“Ngayon dito ang mabuti lang sa atin kasi ang — 184 total reported recoveries. Ang taas ng recovery natin. Ewan ko maybe because of the climate or the constitution body itself, ‘yung constitution body mo. We have, Filipinos, we have more antibodies in their… Sabagay ‘yung — huwag ho kayong mainsulto kasi totoo naman — pero wala akong nakitang taga-squatter na tinamaan. Maski sa Davao, magtanong ako ng mga bata, wala. Sabi nila, “ano ‘yan?,”giit ng Pangulo.