Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng naunang plano na magpahinga ng tatlong araw.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bago bumalik ng Davao City si Duterte kagabi.
Hindi umano makuhang magpahinga ng Pangulo katulad ng payo ng kanyang doktor dahil marami itong mga dokumentong dapat basahin at pirmahan.
“The President has declined the suggestion of well meaning friends to have a rest for a few days. The Chief Executive will fly to Davao tonight after attending to the wake of the late John Gokongwei, Jr. at the Heritage and will continue working at his residence there,” paliwanag nj Panelo.
“While the demands of pressing work that go along with the highest position of the land are unceasing, the people can rest assured that the President can keep up with the same and is in the best position to know how he can maintain to be on top of his health,” ayon pa sa Presidential Spokesman.
Sinabi pa ni Panelo na napapansin niya nitong mga. nakaraang araw na mukhang antok at mahina ang Pangulo pero kapag nakakatulog sing 8 oras ay gumaganda na ang itsura nito.
Gayunman ay sinabi ni Panelo na mali ang balita na may three-day leave ang Pangulo.
“Wala siyang leave. Hindi siya magli-leave. Magtatrabaho lang siya sa Davao sa bahay niya.