Duterte ayaw isubo si Sara sa pagka-Presidente

Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa susunod na eleksyon.

Sa isang exclusive interview ng GMA, sinabi ng Presidente na ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang pinagdaanan niya sa pagkapangulo.

“Do not believe the clamor of the people because when the water gets rough, you find that you are the only one sailing the lonely sea,” ani Duterte.

Si Sara ay pangalawang anak ng Pangulo at nagtatag ng alyansang Hugpong ng Pagbabago (HNP) at itinutulak na tumakbo sa presidential elections.