Duterte at pamilya ligtas sa magnitude 6.9 lindol

Umapela ang Malacanang sa publiko na tigilan ang pagpapalabas ng mga negatibong balita patungkol sa First Family kaugnay ng nangyaring lindol kahapon na sumentro sa Davao del Sur.

“President Duterte was in his house in Davao City with his daughter Kitty when the earthquake struck,” ayon sa opisyal na pahayag na inilabas ng Palasyo.

“We likewise ask the public to refrain from spreading disinformation that may cause undue alarm and panic among affected communities,” apela pa ng Palasyo.

Matatandaang niyanig ng magnitude 6.9 quake nitong Linggo, Disyembre 15 ang Daval del Sur na naramdaman hanggang sa Davao kung saan naroon ang tahanan ng First Family.

Kasama ng Pangulo ng mangyari ang lindol ay ang anak nitong si Kitty habang ang partner naman nitong si Honeylet Avanceña ay pauwi na ng bahay nang yumanig kaya’t ramdam din nito ang paglindol.

Ang nangyaring lindol na tumama sa Padada, Davao del Sur ay naramdaman din sa Davao City na naitala sa intensity 5.

Sa pinakahuling ulat ay isang bata pa lamang ang kinumpirmang nasawi matapos na madaganan ng pader habang dose-dosenang katao ang sugatan.