Duque kaladkad sa Koko virus sa Makati Med

Francisco Duque MMCMatapos mabunyag ang pagpasok ni Senador Koko Pimentel sa Makati Medical kahit may sintomas ito ng coronavirus ay isang mataas na opisyal ng gobyerno ang nakakaladkad na siya umanong nang-impluwensiya kaya nakapasok sa nasabing ospital ang senador at asawa kahit puno na.

Napag-alamang unang tinanggihan ng ospital ang manganganak na misis ni Koko na si Kathryna pero tumawag diumano ito kay Health Secretary Francisco Duque kaya walang nagawa ang ospital.

Pero iginiit ng Makati Med na wala itong kaalam-alam na positibo si Koko sa COVID-19.

Nalaman lamang ng MMC na positibo sa COVID-19 si Koko nang tumawag at ipagbigay-alam umano ng pribadong doktor ng senador.

Ito ay batay sa impormasyon ng isang nagngangalang Valentino Garcia sa ulat ng isang news organization.

Nauna nang nagpaliwanag ang senador sa kontrobersiya at iginiit na sa Makati Medical Center na ito nang malamang positibo siya sa COVID-19.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon si Sec. Duque sa pagkakakaladkad sa kanyang pangalan sa isyu.

Ngayong linggo rin lumabas ang listahan ng VIPs na wala pang sintomas ay nagpa-COVID test na.

Muntik na rin palitan ang direktor ng Research Institute for Tropical Medicine diumano dahil sa pagkontra nito sa VIP testing.