Dua Lipa nagsalita na sa hindi natuloy na music video collab ng Blackpink

Isang taon na mula nang ni-release ang kantang “Kiss and Make Up” na collaboration ni Dua Lipa at Blackpink.

Maraming fans ang nagtatanong kung bakit walang music video ito at kung possible pa bang magkaroon.

Sa isang game ng “Kiss FM UK” na “Answers the Internet”, tinanong si Dua Lipa kung may pag-asa pa ba ang inaasam na music video ng fans.

Sagot nito, “Unfortunately my dear, not this time.”

“I would have loved to and I love the girls, just our schedules are bonkers and we never got the chance to do it. But maybe we’ll do another song at some point and we’ll try and deliver a video for you guys.”

Hindi man impossible ang pagbuo ng music video pero may tsansang magkaroon sila muli ng song collaboration.