MAG-BFF ang peg nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe nang tawagan sa telepono ang lider ng Japan.
Malapit na magkaibigan na nga ang dalawa at itinuturing itong ‘big brother’ ni Duterte na bumisita sa bahay ng pinuno ng bansa sa Davao City noong Enero 13, 2017.
Nangyari ang pag-uusap ng dalawang world leader sa Malago Clubhouse sa Malacanang.
Sa naturang pag-uusap sa telepono na tumagal ng 25 minuto ay ipinaabot ni Duterte kay Abe ang pagnanais na gumalit na agad ito sa sakit na ulcerative colitis.
Matatandaang inihayag ng Japan Prime Minister noong nakalipas na linggo ang pagbaba sa puwesto dahil sa kanyang sakit.