Ngayong Pasko, marami-raming produkto ang bibilhin natin bilang pang-regalo o bagong gamit sa bahay.
Paano kung depektibo at walang kalidad ang nabili.
Nagreklamo ka sa binilhan pero ayaw nilang pansinin o aksyonan ang iyong complaint?
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), 99% ng reklamo ng mga konsyumer na kanilang natanggap noong 2018 ay nasolusyon sa tulong nila. Para sa reklamo sa warranties, No Return, No Exchange at iba pa, sumulat/mag-email sa DTI at ilahad ang mga sumusunod:
1. Buong pangalan, tirahan o address, email at telephone/cell phone number ng nagrereklamo at inirereklamo (Complete name, address, email and contact number of complainant and respondent)
2. Salaysay (Narration of facts)
3. Nais na solusyon (Demand)
4. Kopya ng resibo at government issued ID ng nagrereklamo.
Ilalakip ito sa email. (Scan and attach proof of transaction and any government issued ID of the complainant) Saan magrereklamo?
THE DIRECTOR FAIR TRADE ENFORCEMENT BUREAU DTI Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) UPRC Building 315 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City, Philippines E-mail to: consumercare@dti.gov.ph Hotline: 1-384 Trunk Line: (632)7791.3101, (632)7751.0384