DSWD may mga bagong hotline para sa inyong mga katanungan tungkol sa SAP

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development ang mga bagong text hotline, 0918-912-2813, at e-mail address, sapgrievances@dswd.gov.ph, na maaaring padalhan ng mga mensahe at katanungan patungkol sa mga alalahanin sa Social Amelioration Program(SAP).

“Earlier, DSWD has published its hotline number, 16545, set up through the support of PLDT Enterprise, as well as mobile numbers for GLOBE, 09162471194; SMART, 09474822864; and SUN, 09329333251, which are designated to receive calls only.”

Ang naturang mga hotline ay pinamamahalaan ng ’24/7 Operations Center’ na sumusunod sa ilalim ng mga patakaran ng kagawaran at inatasang tutugon sa mga mensahe at katanungan patungkol sa SAP pati na rin sa iba pang mga programa ng DSWD, tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen).

Ang pagbubukas ng ‘DSWD OpCen’ ay bahagi ng paghahatid ng tunay na serbisyo publiko lalo na sa panahon na ang bansa ay nasa ilalim ng  ‘state of public health emergency’.