Drive-in Cinema One Halloween Unhinged The Rental

Kakaibang Halloween experience tampok ang “The Rental” at “Unhinged,” dalawang pelikulang may hatid na takot at kaba, ang handog ng “Drive-In Cinema One” na mapapanood nang libre sa Vertis North ngayong weekend (Oktubre 30 at 31).

Sa pakikipag-ugnayan sa Vertis North Estate at Ayala Malls Vertis North, hatid ng drive-in event ng Cinema One ang 2020 horror flick na “The Rental” sa Biyernes at ang action-thriller na “Unhinged” sa Sabado na tiyak na ma-eenjoy ng drive-in moviegoers habang nananatiling ligtas sa loob ng kani-kanilang sasakyan.

Hatid ng “The Rental” ang kwento ng dalawang couple na umupa ng isang vacation home para magkaroon ng masayang weekend getaway ngunit nang maglaon ay makakaramdam na parang may nanonood sa kanila sa loob ng inuupahang bahay. Bida sa American film na ito sina Dan Stevens, Alison Brie, Sheila Vand, Jeremy Allen White, at Toby Huss.

Kwento naman ng isang single mom na naging target ng isang estranghero pagkatapos nilang magkaharap sa isang road rage ang 2020 psychological thriller na “Unhinged.” Pinagbibidahan ito ng award-winning actor na si Russell Crowe, tampok rin sa pelikula sina Caren Pistorius, Gabriel Bateman, Jimmi Simpson at Austin P. McKenzie.

Bukod sa mga pelikulang eksklusibong mapapanood dito, maaari ring sumali ang drive-in moviegoers sa inihandang activities at games na swak sa tema ng Halloween.

Maghanda na para sa kakaiba at nakakatakot na movie experience sa “Drive-In Cinema One” tampok ang “The Rental” ngayong Biyernes (Oktubre 30) at ang “Unhinged” sa Sabado (Oktubre 31) sa Vertis North. Magbubukas ang gate ng 5pm. Magparehistro dito para sa access: bit.ly/DriveInCinemaOne.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom